BREAKING: Magnitude 5.8 na lindol naitala sa Occidental Mindoro; pagyanig naramdaman din sa Metro Manila

BREAKING: Magnitude 5.8 na lindol naitala sa Occidental Mindoro; pagyanig naramdaman din sa Metro Manila

(UPDATE) Magnitude 5.8 na lindol naitala sa Occidental Mindoro; pagyanig naramdaman din sa Metro Manila

Nakapagtala ng malakas na pagyanig sa lalawigan ng Occidental Mindoro.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang magnitude 5.8 na lindol sa 11 kilometers east ng bayan ng Abra De Ilog alas 9:09 ng umaga ngayong Miyerkules, May 12.

106 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.

Naramdaman din ang nasabing pagyanig sa ibang bahagi ng Luzon kasama na ang Metro Manila.

May mga netizen na nagpost sa social media na nakaramdam sila ng pagyanig sa Makati, Las Pinas, Quezon City, Maynila at iba pang lugar sa NCR.

Habang sa Tagaytay, pinababa muna ng gusali ang mga naninirahan sa mga high rise condominium.

Narito ang mga naitalang intensities batay sa inilabas na Earthquake Information No. 2 ng Phivolcs:

Intensity V
– Lubang, Occidental Mindoro
– Calamba City; Calatagan, and Calaca, Batangas

Intensity IV
– Malvar and Lemery, Batangas
– Calapan City, Oriental Mindoro
– Mendez, Cavite
– Limay, Bataan
– Tagaytay City
– Manila City,

Intensity III
– Agoncillo, Cuenca, Lipa City and Talisay, Batangas
– General Trias City and Dasmarinas, Cavite
– Makati City
– Muntinlupa City
– Mandaluyong
– Pasay City
– Pasig City
– Quezon City
– San Pedro, Laguna

Intensity II
– Caloocan City
– Marikina City
– Olongapo City, Zambales
– Cavite City
– Sta. Cruz, Laguna
– Taysan, Batangas
– Batangas City
– Lucena City
– Binangonan, Rizal
– Dolores and Mulanay, Quezon

Intensity I
– San Mateo, Rizal
– San Francisco, Quezon

Bagaman hindi inaasahan ang pinsala, sinabi ni Phivolcs na maaring makaramdam ng aftershocks bunsod ng naturang pagyanig.

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *