Magnitude 5.7 na lindol tumama sa Davao Occidental
Niyanig ng magnitude 5.7 na lindol ang bayan ng Sarangani sa Davao Occidental.
Ang pagyanig ay naitala sa layong 208 kilometers southeast ng Sarangani alas 11:41 ng umaga ngayong Miyerkules, Sept. 9, 2020.
65 kilomteters ang lalim ng pagyanig at tectonic ang origin nito.
Walang naitalang intensities bunsod ng lindol.
Hindi naman ito inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks. / END