Magnitude 5.0 na lindol tumama sa Davao Del Sur
Niyanig ng malakas na magnitude 5.0 na lindol ang lalawigan ng Davao del Sur.
Ayon sa Phivolcs, ang pagyanig ay naitala sa layong 7 kilometers southeast ng bayan ng Kiblawan.
Naganap ang lindol ala-1:44 madaling araw ng Lunes (August 31).
18 kilometers ang lalim ng pagyanig at tectonic ang origin nito.
Naitala ang sumusunod na intensities:
Intensity III – Koronadal City; Bansalan and Magsaysay, Davao del Sur
Intensity II – Kidapawan City; General Santos City
Naitala naman ang sumusunod na instrumental intensities:
Intensity V – Malungon, Sarangani
Intensity IV – Koronadal City; Tupi, South Cotabato
Intensity III – General Santos City; Alabel, Sarangani
Intensity II – Kiamba, Sarangani
Ayon sa Phivolcs, inaasahan ang aftershocks bunsod ng malakas na pagyanig.