Magnitude 4.8 na lindol tumama sa Sultan Kudarat
Niyanig ng magnitude 4.8 na lindol ang lalawigan ng Sultan Kudarat.
Naitala ang pagyanig sa layong 1 kilometer northeast ng bayan ng Columbio alas 6:51 ng umaga ngayong Lunes, March 1.
Ayon sa PHIVOLCS, may lalim na 20 kilometers ang lindol at tectonic ang origin nito.
Naitala ang sumusunod na intensities:
Intensity III- Tampakan, South Cotabato
Intensity II- General Santos City
Instrumental Intensities:
Intensity IV – Koronadal City, South Cotabato
Intensity III – Malungon, Sarangani
Intensity II – General Santos City
Intensity I – Alabel, Sarangani
Hindi naman ito inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks.