Magnitude 4.1 na lindol naitala sa Calatagan, Batangas
Tumama ang magnitude 4.1 na lindol ang lalawigan ng Batangas.
Ayon sa Phivolcs, ang pagyanig ay naitala sa layong 10 kilometers northwest ng bayan ng Calatagan, 6:31 ng umaga ngayong Lunes (December 28).
May lalim na 91 kilometers at tectonic ang origin nito.
Naitala ang sumusunod na instrumental intensities:
Intensity II -Puerto Galera, Oriental Mindoro
Intensity I – Calatagan, Batangas
Ang pagyanig ay aftershock ng magnitude 6.3 na lindol sa lugar noong December 25.