Magnitude 3.5 na lindol naitala sa San Francisco, Quezon
Niyanig ng magnitude 3.5 na lindol ang lalawigan ng Quezon.
Ayon sa Phivolcs ang epicenter ng lindol ay naitala sa layong 27 kilometers southwest ng bayan ng San Francisco.
Naitala ang pagyanig alas 11:46 ng umaga ngayong Lunes, Dec. 28.
Ang pagyanig ay aftershock ng magnitude 5.2 na lindol na tumama sa San Francisco noong December 25.
7 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.
Naitala ang sumusunod na Instrumental Intensities:
Intensity III – Gumaca, Quezon
Intensity I – Lopez, Quezon