Magkasunod na may kalakasang pagyanig naitala sa Davao Oriental at Davao Occidental
Nakapagtala ng may kalakasang pagyanig sa sa Davao Oriental at Davao Occidental.
Ayon sa Phivolcs, unang naitala ang magnitude 4.7 na lindol sa bayan ng Governor Generoso sa Davao Oriental, 6:19 ng umaga ng Biyernes, Feb. 25.
33 kilometers ang lalim ng pagyanig at tectonic ang origin.
Naitala ang Intensity II sa Governor Generoso.
Samantala naitala din ang magnitude 4.4 na lindol sa Jose Abad Santos, Davao Occidental 12:30 ng tanghali.
30 kilometers ang lalim ng pagyanig at tectonic ang origin.
Naitala naman ang Intensity 1 sa General Santos City. (DDC)