Magkapatid na lola patay sa sunog sa Maynila

Magkapatid na lola patay sa sunog sa Maynila

Patay ang dalawang lola sa sunog na naganap sa Moriones Street sa Tondo, Maynila.

Nagsimula ang sunog pasado alas 3:30 ng madaling araw.

Nang mapasok ng mga tauhan ng Manila Fire Bureau ang bahay na natupok, unang natagpuan ang isang matandang babae na na-trap sa loob.

Sumunod ay nakita na rin ang katawan ng isa pang matandang babae.

Una nang iniulat ng kaniyang mga kaanak na na-trap sa loob ng bahay si Ginang Flor Hernandez, 88 anyos at kaniyang kapatid na babae at hindi na nila ito nagawang balikan.

Sugatan naman ang lolo na si Santiago Hernandez at nagtamo ito ng lapnos sa kaniyang balat.

Sa pahayag ni Lolo Santiago, sinubukan niya pang iligtas at buhatin ang kaniyang misis na si Flor, pati na ang kapatid nito para ilabas ito pero hindi niya kinaya dahil maging siya ay may edad na.

Alas 4:24 ng madaling araw nang maideklarang under control na ang sunog.

Umabot sa tatlong bahay ang nasunog at may mga nadamay ding sasakyan na nakaparada sa lugar.

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *