Magat, Binga at Ambuklao dams nagpapakawala pa din ng tubig

Magat, Binga at Ambuklao dams nagpapakawala pa din ng tubig

Patuloy sa pagpapakawala ng tubig ang tatlong mga dam sa Luzon.

Sa update ng PAGASA Hydrology Division, alas 9:00 ng umaga ngayong Huwebes, Nov. 5 ang water level ng Magat Dam sa Isabela ay nasa 188.97 meters.

Mayroon itong isang gate na nakabukas at nagpapakawala ng 0.5 meters na tubig.

Kabilang sa mga munisipalidad na maaring maapektuhan ng pagpapakawala ng tubig ay ang Ramon, San Mateo, Aurora, Cabatuan, Luna, Reina Mercedes, Burgos, Naguilian at Gamu.

Samantala, alas 9:00 din ngayong umaga ang water level ng Ambuklao Dam ay nasa 751.26 meters.

Mayroon itong isang gate na nakabukas.

Nasa 574.24 meters naman ang water level ng Binga Dam.

Sa abiso ng PAGASA, pinag-iingat ang mga residente sa Barangays Dalupirip, at Tinongdan sa Itogon, Benguet.

 

 

 

 

 

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *