Maayos at sistematikong pamumuhay sa Bayan ng Montalban

Maayos at sistematikong pamumuhay sa Bayan ng Montalban

Maliban sa pagpapatuloy at pagsaayos ng mga programang pangkalusugan, naniniwala si Dra. Carmela Javier na kailangang maisaayos at gawing sistematiko ang pamumuhay sa Bayan ng Montalban.

Pahayag ito ni Javier matapos ang matagal na panunungkulan bilang pinuno ng Municipal Health Office sa naturang bayan.

Sa ilalim ng panunungkulan ni Javier sa MHO noon naging sistematiko ang proseso sa Rural Health Office at maging sa mga health center sa mga barangay.

Nagkaroon din ng mga libreng laboratoryo at libreng gamot para sa mga pasyente.

Ang Rural Health Center na dati-rati ay hindi halos napakikinabangan ng mga residente, mula nang maging MHO chief si Javier ay halos araw-araw dinudumog ng mga may pangangailangang medikal.

Sa ilalim ng pamumuno ni Javier, nagkaroon din ng regular na duty ng mga duktor sa iba’t ibang larangan gaya ng cardiologist, pediatrician, surgeon, IM, infectious disease, pulmonologist, OB-Gyne, dentista at iba pa.

Sa kasagsagan ng pandemya ng COVID-19 naging sistematiko din ang pagtugon ng MHO sa ilalim ng pamumuno ni Javier.

Katunayan noong May 17, 2021 naitala ng Municipal Health Office ang mataas na bilang ng mga nabakunahan ng COVID-19 vaccine.

Umabot sa 1,423 ang bilang ng mga nabakunahan noon ng AstraZeneca vaccine.

Marami ring residente ang pumuri sa ideya ni Javier na magkaroon ng drive-thru vaccination para mas maging convenient para sa mga magpapabakuna lalo na sa mga may edad na.

“Madali siyang lapitan hindi po kayo pahihindian niyan ni doktora. Una Maraming salamat po sa mga naitulong niyo po sa mga taong bayan natin, saludo po ako sa inyo at sana po doc balik na po kayo ulit ng RHU. God Bless po doctora,” ayon sa isang residente.0 (BVD)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *