Luzon Grid ilang oras na isinailalim sa yellow alert
Ilang oras na isinailalim sa yellow alert ang Luzon Grid dahil sa kapos na suplay ng kuryente.
Ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), pinairal ang yellow alert mula alas 10:00 ng umaga ng Martes, July 13.
Apat na planta kasi ang nagkaroon ng unplanned outage habang mayroong tatlong planta ang nagpairal ng derated capacities.
Ala 1:10 ng hapon nang bawiin na ng NGCP ang pag-iral ng yellow alert matapos bumaba ang actual system demand.