Luzon at Western Visayas apektado na ng Habagat
Makararanas ng pag-ulan ang malaking bahagi ng Luzon at Western Visayas dahil sa Habagat.
Ayon sa PAGASA, maliban sa Habagat, mayroon ding umiiral na Intertropical Convergence Zone sa bansa.
Ang Metro Manila, Central Luzon, Western Visayas, lalawigan ng Pangasinan, Cavite, Batangas, Palawan, at Mindoro ay makararanas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms dahil sa Habagat.
Ang patuloy at malakas na buhos ng ulan na mararanasan ay maaring magdulot ng flash floods o landslides.
Bahagyang maulap na papawirin naman ang iiral sa nalalabi pang bahagi ng bansa.