Luzon at Visayas apektado ng Habagat

Luzon at Visayas apektado ng Habagat

Sa tuluyang paglayo sa bansa ng Tropical Storm Noul o dating bagyong Leon, tanging ang Habagat ang umiiral na weather system ngayon sa bansa.

Ang Tropical Storm Noul ay huling namataan ng PAGASA sa layong 1,010 kilometers west ng Central Luzon at patungo na ito ng Taiwan.

Sa weather forecast ngayong araw, ang MIMAROPA, Bicol Region, Western Visayas, at lalawigan ng Batangas at Quezon ay makararanas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms dahil sa Habagat.

Magiging maaliwalas naman na ang panahon sa Metro Manila at sa nalalabi pang bahagi ng bansa at magkakaroon lamang ng pag-ulan sa hapon o gabi dahil sa localized thunderstorms.

Samantala nakataaas ang gale warning sa mga baybaying dagat ng sumusunod na lugar:

Pangasinan
Zambales
Bataan
Occidental Mindoro
Lubang Island
Western Coast ng Palawan
Kalayaan Islands

Sa susunod na dalawa hanggang tatlong araw ay walang aasahang sama ng panahon na papasok sa bansa ayon sa PAGASA. / END

 

 

 

 

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *