Lubang, Occidental Mindoro niyanig ng magnitude 4.3 na lindol
Tumama ang magnitude 4.3 na lindol sa lalawigan ng Occidental Mindoro.
Naitala ng Phivolcs ang pagyanig sa layong 102 kilometers northwest ng bayan ng Lubang, 3:43 ng hapon ngayong Biyernes, April 22.
May lalim na 34 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.
Ayon sa Phivolcs, aftershock ito ng magnitude 6.4 na lindol na tumama sa Lubang, Occidental Mindoro noong March 14. (DDC)