Lt. Gen. Cirilito Sobejana itinalaga ni Pangulong Duterte bilang bagong AFP chief

Lt. Gen. Cirilito Sobejana itinalaga ni Pangulong Duterte bilang bagong AFP chief

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Lt. Gen. Cirilito Sobejana bilang bagong Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Kinumpirma ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque.

Ayon kay Roque, kumpiyansa ang Palasyo na maipagpapatuloy ni Sobejana ang modernisasyon ng militar.

Ito ay para masigurong mapanatili ang propesyonalismo sa Armed Forces at maituloy ang mandato nitong protektahan ang bayan at estado.

“We wish General Sobejana all the best in his new tour of duty as we pray for his success,” ayon kay Roque. (D. Cargullo)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *