LRT-1 magpapatupad ng layoff sa kanilang mga empleyado dahil sa epekto ng COVID-19 pandemic
Magpapatupad ng layoff ang Light Rail Manila Corporation (LRMC) sa kanilang mga empleyado.
Ang LRMC ang pribadong korporasyon na operator ng LRT-1.
Sa inilabas na pahayag, sinabi ng LRMC na umabot sa 90 percent ang ibinaba ng kanilang ridership dahil sa pandemic ng COVID-19.
Epektibo sa September 15, 2020 ang pagbabawas ng mga empleyado ng LRMC.
Tiniyak naman ng kumpanya na tutugon sila sa lahat ng alituntunin ng Department of Labor and Employment (DOLE).
Makatatanggap ng tamang benepisyo na naayon sa batas ang mga maaapektuhang empleyado.
Nakipag-partner din ang LRMC sa Xcelarator Talent Solutions para matulungan na magkaroon ng livelihood ang mga mawawalan ng trabaho. (END)