LPA, tatlo pang weather system magpapaulan sa malaking bahagi ng bansa

LPA, tatlo pang weather system magpapaulan sa malaking bahagi ng bansa

Isang Low Pressure Area (LPA) ang patuloy na binabantayan ng PAGASA sa loob ng bansa.

Huling namataan ang LPA sa layong 210 kilometers South Southwest of Puerto Princesa City, Palawan.

Nakapaloob pa din ito sa Intertropical Convergence Zone (ITCZ) at nakaaapekto sa Palawan at Mindanao.

Apektado naman ng Tail-end of Frontal System (Shear line) ang eastern sections ng Northern at Central Luzon.

Habang apektado ng Northeast Monsoon ang extreme Northern Luzon.

Dahil sa Tail-end of Frontal System makararanas ng maulap na papawirin ngayong araw na may kalat-kalat na pag-ulan ang Metro Manila, Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Central Luzon, Quezon, at Rizal.

Magdudulot din ng kalat-kalat na pag-ulan ang LPA at ITCZ sa nalalabi pang bahagi ng CALABARZON, MIMAROPA, Western Visayas, Central Visayas at Mindanao.

Habang localized thunderstorms lamang ang iiral sa nalalabi pang bahagi ng bansa. (D. Cargullo)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *