LPA sa Surigao del Sur maliit pa ang tsansang maging ganap na bagyo
Nananatiling maliit ang tsansa na maging ganap na bagyo sa susunod na 24 na oras ang binabantayang Low Pressure Area (LPA) sa loob ng bansa.
Ang LPA ay huling namataan ng PAGASA sa layong 835 kilometers East Northeast ng Hinatuan, Surigao del Sur o sa layong 850 kilometers East ng Guiuan, Eastern Samar.
Humina naman na ang epekto ng tail-end of a frontal system (shear line) sa Bicol Region at Eastern Visayas.
Naging eastward na kasi ang kilos ng shear line matapos magkaroon ng interaksyon sa LPA sa Philippine sea.
Ngayong araw hanggang bukas, muling kikilos pa-westward ang shear line at habang papalapit ang LPA sa Southern Luzon-Visayas area.
Samantala, nananatili naman ang epekto ng Northeast Monsoon sa nalalabi pang bahagi ng Luzon at Visayas.
Ngayong araw hanggang bukas ang tail-end ng frontal system ay magdudulot pa din ng mahihina hanggang katamtaman at kung minsan ay malakas na pag-ulan sa Bicol Region at Eastern Visayas.
Ang Northeast Monsoon naman ay magdudulot ng paminsang mahina hanggang katamtamang pag-ulan sa Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Aurora, at Quezon.