LPA sa Surigao Del Norte isa nang bagyo; Signal No. 1 nakataas sa maraming lugar sa bansa
Isa nang ganap na bagyo ang Low Pressure Area sa bahagi ng Surigao Del Norte.
Ang bagyo na pinangalanang Lannie ng PAGASA ay huling namataan sa layong 100 kilometers East ng Surigao City, Surigao del Norte.
Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 45 kilomeyers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 55 kilometers bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa direksyong pa-kanluran sa bilis na 20 kilometers bawat oras.
Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa sumusunod na mga lugar:
– southern portion of Masbate (Pio V. Corpuz, Cataingan, Palanas, Dimasalang, Uson, Mobo, Milagros, Mandaon, Esperanza, Placer, Cawayan, Balud)
– southern portion of Romblon (Cajidiocan, San Fernando, Magdiwang, Santa Maria, Odiongan, Alcantara, Ferrol, Looc, Santa Fe, San Jose)
– southern portion of Oriental Mindoro (Roxas, Mansalay, Bulalacao, Bongabong)
– southern portion of Occidental Mindoro (Sablayan, Calintaan, Rizal, San Jose, Magsaysay)
– northern portion of Palawan (El Nido, Taytay, Dumaran, Araceli) including Calamian and Cuyo Islands
– Eastern Samar
– Samar
– Biliran
– Leyte
– Southern Leyte
– Capiz
– Aklan
– Antique
– Iloilo
– Guimaras
– Negros Occidental
– northern and central portions of Negros Oriental (Bais City, Mabinay, City of Bayawan, Basay, City of Tanjay, Manjuyod, Bindoy, Ayungon, Tayasan, Jimalalud, La Libertad, City of Guihulngan, Vallehermoso, Canlaon City)
– Cebu
– Bohol
– Surigao del Norte
– Dinagat Islands
– northern portion of Agusan del Norte (Magallanes, Remedios T. Romualdez, City of Cabadbaran, Tubay, Santiago, Jabonga, Kitcharao, Butuan City)
– northern portion of Agusan del Sur (Sibagat, City of Bayugan, Prosperidad)
– northern portion of Surigao del Sur (San Miguel, Marihatag, San Agustin, Cagwait, Bayabas, Tago, City of Tandag, Cortes, Lanuza, Carmen, Madrid, Cantilan, Carrascal, Lianga)
Ngayong araw hanggang bukas ng umaga ang bagyo ay magdudulot ng moderate to heavy sa Visayas, Bicol Region, MIMAROPA, CALABARZON, at Caraga Region.
Mahina hanggang katamtaman at kung minsan ay malakas na ulan sa Metro Manila, Bulacan, Bataan, at nalalabing bahagi ng Mindanao.
Ayon sa PAGASA ang bagyong Lannie ay posibleng mag-landfall sa Siargao-Bucas Grande Islands.
Hindi naman na ito inaasahang lalakas pa at mananatili sa tropical depression category. (DDC)