LPA sa Romblon nalusaw na; panibagong LPA nabuo sa Southern Luzon
Nalusaw na alas 8:00 ng umaga ngayon Miyerkules (Jan. 20) ang Low Pressure Area (LPA) sa Northeast ng Romblon, Romblon.
Pero ayon sa PAGASA, isang panibagong LPA ang nabuo sa silangang bahagi ng Southern Luzon.
Alas 10:00 ng umaga, huli itong namataan sa layong 250 kilometers East ng Virac, Catanduanes.
Ayon sa PAGASA sa susunod na 24 na oras ay maliit pa ang tsansa na ito ay mabuo bilang ganap na bagyo.
Samantala, nananatiling apektado ng Tail-End of a Frontal System ang eastern section ng Central Luzon.
Sinabi ng PAGASA na sa susunod na 24 na oras, ang pinagsamang epekto ng LPA at ng Tail-End of a Frontal System ay maghahatid ng katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan sa Isabela, Quirino, Aurora, at sa eastern portion ng Cagayan.
Mahina hanggang katamtaman at kung minsan ay malakas na ulan naman ang mararanasan sa Cordillera Administrative Region, CALABARZON, Nueva Ecija, Bulacan, Camarines Norte, at sa nalalabing bahagi ng Cagayan Valley. (D. Cargullo)