LPA sa Quezon posibleng maging ganap na bagyo ayon sa PAGASA

LPA sa Quezon posibleng maging ganap na bagyo ayon sa PAGASA

Isang Low Pressure Area (LPA) ang binabantayan ng PAGASA sa silangang bahagi ng bansa.

Ang LPA ay huling namataan sa layong 655 kilometers East ng Infanta, Quezon.

Ayon sa PAGASA may tsansa na maging ganap na bagyo ang nasabing LPA.

Dahil sa LPA, ang Metro Manila, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, Central Luzon at CALABARZON ay makararanas ngayong araw ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan.

Bahagyang maulap na papawirin naman ang iiral na mayroong isolated na mga pag-ulan sa nalalabi pang bahagi ng bansa dahil sa Southwest Monsoon o Habagat. (END)

 

 

 

 

 

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *