LPA sa Mindanao malulusaw sa susunod na 24 na oras
Maliit ang tsansa na maging ganap na bagyo ang Low Pressure Area (LPA) na binabantayan ng PAGASA sa silangang bahagi ng Mindanao.
Ang LPA ay huling namataan sa layong 335 kilometers East ng General Santos City.
Sa susunod na 24 na oras ay inaasahang malulusaw ito.
Ang naturang LPA ay nagdudulot ng katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan sa Eastern Visayas, Caraga, Davao Oriental at Davao de Oro.
Mahina hanggang katamtaman na pag-ulan na naman ang mararanasan sa Bicol Region, Northern Mindanao, at sa nalalabing bahagi ng Visayas at Davao Region.