LPA sa Mindanao maliit ang tsansa na maging isang bagyo

LPA sa Mindanao maliit ang tsansa na maging isang bagyo

Isang Low Pressure Area ang binabantayan ng PAGASA sa bahagi ng Mindanao

Huling namataan ang LPA sa layong 420 km East ng Hinatuan, Surigao del Sur.

Nakapaloob ito sa Intertropical Convergence Zone (ITCZ) na nakaaapekto sa Palawan at Mindanao.

Ayon sa PAGASA, maliit ang tsansa na mabuo bilang isang ganap na bagyo ang LPA.

Dahil sa LPA at ITCZ, makararanas ng makulimlim na panahon na may kalat-kalat na pag-ulan ngayong araw ang buong Mindanao.

Ang Metro Manila naman at nalalabi pang bahagi ng bansa ay bahagyang maulap na papawirin lamang ang mararanasan na mayroong isolated na pag-ulan sa hapon o gabi.

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *