LPA sa loob ng bansa posibleng maging bagyo pagsapit sa West PH Sea
Posibleng maging isang tropical depression ang Low Pressure Area (LPA) sa loob ng bansa na binabantayan ng PAGASA.
Ang LPA ay huling namataan sa coastal waters ng San Pascual, Masbate at kasalukuyan nitong tinatawid ang landmass ng Southern Luzon.
Ayon sa PAGASA, pagsapit ng LPA sa West Philippine Sea ay maaring mabuo ito bilang ganap na bagy at agad ding lalabas ng bansa.
Samantala, ang bagyong may international name na Chan-Hom na nasa labas ng bansa ay isa nang ganap na Typhoon.
Sinabi ng PAGASA na hindi na ito papasok ng Philippine Area of Responsibility.
Sa magiging lagay ng panahon ngayong araw, dahil sa LPA at Habagat, ang Metro Manila, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, Visayas at Mindanao ay makararanas ng maulap na papawirin na maky kalat-kalat na pag-ulan.
Mahihinang isolated na pag-ulan naman ang mararanasan sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, and Cagayan Valley dahil sa Northeasterly Surface Windflow.