LPA sa labas ng bansa maliit ang tsansa na maging bagyo

LPA sa labas ng bansa maliit ang tsansa na maging bagyo

Maliit ang tsansang maging siang ganap na bagyo ang Low Pressure Area na binabantayan ng PAGASA sa labas ng bansa.

Ang LPA ay huling namataan sa layong 1,275 east ng Mindanao.

Sa magiging lagay ng panahon ngayong araw, maulap na papawirin na may pag-ulan ang mararanasan sa Batanes, Babuyan Islands at Ilocos Norte dahil sa Amihan.

Tail-End of Frontal System naman ang magpapaulan sa nalalabing bahagi ng Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Aurora, Quezon at Bicol Region.

Ngayong maghapon ayon sa PAGASA, bababa ang tail-end ng frontal system at magdudulot ng pag-ulan sa malaking bahagi ng Luzon.

Magdudulot naman ng pag-ulan ang trough ng LPA sa Eastern Visayas, Caraga at Davao Region.

Habang isolated na mga pag-ulan lamang ang mararanasan sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa.

 

 

 

 

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *