LPA sa labas ng bansa lumiit ang tsansang pumasok ng PAR
Lumiit ang tsansang papasok sa Philippine Area of Responsibility ang Low Pressure Area (LPA) na binabantayan ng PAGASA sa silangan ng Mindanao.
Gayunman, patuloy itong babantayan ng PAGASA dahil maari pang mabago ang direksyon nito.
Ang LPA ay huling namataan sa layong 1,190 km East Southeast ng Southern Mindanao.
Samantala, sinabi ng PAGASA na apektado pa din ng Tail-End of a Frontral System (Shear Line) ang eastern section ng Northern Luzon.
Bukas, inaasahang lalakas muli ang nasabing weather system at magdudulot ng pag-ulan sa eastern sections ng Northern at Central Luzon.