LPA sa labas ng bansa isa nang bagyo; papasok din sa PAR
Isa nang ganap na bagyo ang Low Pressure Area (LPA) na nasa silangang bahagi ng Mindanao
Huling namataan ang tropical depression sa layong 2,510 kilometers East ng Mindanao.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 70 kilometers bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa direksyong west-northwest sa bilis na 15 kilometers bawat oras.
Ayon sa PAGASA, sa susunod na 24 ang bagyo ay lalakas pa at magiging tropical storm.
Papasok ito sa bansa sa Lunes, Nov. 2 o sa Martes, Nov. 3.
Dona Dominguez-Cargullo
Excerpt: Huling namataan ang tropical depression sa layong 2,510 kilometers East ng Mindanao.