LPA sa General Santos City magpapaulan sa buong Visayas at Mindanao
Makararanas ng pag-ulan sa buong Visayas at Midnanao ngayong araw ng Huwebes (March 11).
Bunsod ito ng binabantayang Low Pressure Area ng PAGASA na huling namataan sa layong 465 kilometers east ng General Santo City.
Sa weather forecast ng PAGASA, ang LPA ay magdudulot ng maulap na papawirin na mayroong kalat-kalat na pag-ulan sa Visayas at Mindanao.
Apektado naman ng Northeast Monsoon o Amihan ang buong Luzon.
Dahil sa Amihan, makararanas ng isolated na mahihinang pag-ulan sa Metro Manila at sa nalalabi pang bahagi ng Luzon.