LPA sa Batanes naging bagyo na; pinangalanang “Igme” ng PAGASA

Naging isang ganap nang bagyo ang binabantayang Low Pressure Area (LPA) ng PAGASA sa Batanes.

Pinangalanan itong Tropical Depression “Igme” at pang-siyam na bagyo sa bansa ngayong taon.

Huling namataan ang bagyo sa layong 245kilometers Northeast ng Basco, Batanes.

Kumikilos ang bagyo sa direksyong pa-kanluran.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 70 kilometers bawat oras.

Inaasahang kikilos ang bagyong Igme patungo sa Yonaguni Island sa southern Ryukyus (Japan).

Sandali lamang ito mananantili sa bansa at inaasahang lalabas na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong tanghali o mamayang gabi.

Ang Habagat na pinalalakas ng bagyo ay maaring magdulot ng masungit na panahon sa Batanes at Babuyan Islands.

Ang Habagat ay magpapaulan din sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, northern mainland Cagayan, Zambales, at Bataan.

 

 

 

 

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *