LPA sa Aurora isa nang ganap na bagyo, pinangalanang ‘Enteng’ ng PAGASA

LPA sa Aurora isa nang ganap na bagyo, pinangalanang ‘Enteng’ ng PAGASA

Nabuo na bilang isang ganap na bagyo ang Low Pressure Area na binabantayan ng PAGASA sa loob ng bansa.

Ang bagyo na pinangalanang ‘Enteng’ ay huling namataan sa layong 510 kilometers East ng Baler, Aurora o sa 445 km East ng Casiguran, Aurora.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 55 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa direksyong pa-kanluran sa bilis na 10 kilometers bawat oras.

Ayon sa PAGASA bukas ng umaga inaasahang lalakas pa ang bagyo at magiging isang tropical storm.

Maghahatid na ito ng kalat-kalat na katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan sa Bicol Region at Eastern Visayas.

Ang habagat naman na pinalalakas ng bagyo ay maghahatiod ng monsoon rainssa Zambales, Bataan, Mindoro Provinces, Romblon, at Northern Palawan (Calamian, Cuyo, and Kalayaan Islands),.

Habang minsang pag-ulan naman ang mararanasan sa Pangasinan, nalalabing bahagi ng Central Luzon, Metro Manila, CALABARZON, nalalabing bahagi ng MIMAROPA, at nalalabing bahagi ng Visayas.

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *