LPA nasa bahagi na Batangas; patuloy na magpapaulan sa malaking bahagi ng Luzon
Patuloy na nagpapaulan sa malaking bahagi ng Luzon ang binabantayang Low Pressure Area (LPA) ng PAGASA.
Ang LPA ay huling namataan sa layong 80 kilometers Northwest ng Calapan City, Oriental Mindoro o 75 sa kilometers Southwest ng Tanauan City, Batangas.
Ayon sa PAGASA, ang LPA ay patuloy na kikilos ng pa-kanluran at tatawid ng Verde Island patungo ng West Philippine Sea.
Nananatiling maliit ang tsansa na maging isang ganap na bagyo ang LPA.
Ayon sa PAGASA, maghahatid pa din ito ng mahina hanggang sa katamtaman at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan sa CALABARZON, Metro Manila, eastern portions ng Cagayan at sa mga lalawigan ng Isabela, Aurora, Bulacan, Bataan, Marinduque, Oriental Mindoro, Occidental Mindoro kabilang ang Lubang Island, at Calamian Islands.
Magdudulot din ito ng occasional hanggang sa madalas na mahina hanggang katamtamang pag-ulan sa Pangasinan at sa nalalabing bahagi ng Cagayan Valley at Central Luzon. / DV