LPA na dating Bagyong Auring magpapaulan sa Metro Manila at malaking bahagi ng Luzon

LPA na dating Bagyong Auring magpapaulan sa Metro Manila at malaking bahagi ng Luzon

Bagaman isang Low Pressure Area (LPA) na lamang magdudulot pa rin ng pag-ulan ngayong araw ang dating Bagyong Auring sa malaking bahagi ng Luzon.

Ayon sa PAGASA ang LPA ay huling namataan sa layong 105 kilometers East ng Infanta, Quezon.

Dahil sa LPA, makararanas ngayong araw ng maulap na papawirin na mayroong kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm ang Metro Manila, Cordillera Administrative Region, MIMAROPA, Central Luzon, CALABARZON, Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino, at Camarines Norte.

Isolated na pag-ulan naman ang mararanasan sa Ilocos Region at nalalabing bahagi ng Cagayan Valley dahil sa Amihan.

Habang localized thunderstorm ang iiral sa nalalabi pang bahagi ng bansa.

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *