LPA na binabantayan ng PAGASA nalusaw na; Tail-End of a Frontal System at Easterlies magpapaulan sa bansa
Nalusaw na ang binabantayang Low Pressure Area (LPA) ng PAGASA sa loob ng bansa.
Ayon sa PAGASA, alas 9:00 ng umaga ngayong Biyernes, Nov. 27 nang malusaw ang LPA.
Gayunman, magpapaulan pa din sa malaking bahagi ng bansa ang pinagsanib na pwersa ng Tail-End of a Frontal System (Shear Line) at Easterlies.
Magdudulot ito ng kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino, Aurora, Metro Manila, CALABARZON, Bicol Region, Eastern Visayas, Caraga, at Davao Region.
Ang mararanasang malakas na buhos ng ulan ay maaring magdulot ng isolated flooding at rain-induced landslide incidents.