LPA magpapaulan sa malaking bahagi ng Luzon ayon sa PAGASA

LPA magpapaulan sa malaking bahagi ng Luzon ayon sa PAGASA

Makararanas ng pag-ulan ang malaking bahagi ng Luzon ngayong araw dahil sa Low Pressure Area (LPA).

Huling namataan ang LPA sa layong 225 kilometers East Northeast ng Casiguran, Aurora.

Ayon sa PAGASA, makararanas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan ngayong araw ang Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, at Ilocos provinces.

Ang mararanasang malakas na buhos ng ulan ay maaring magdulot ng flash floods o landslides.

Ang Metro Manila naman at nalalabi pang bahagi ng bansa ay makararanas lamang ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na sa hapon o gabi dahil sa localized thunderstorms.

 

 

 

 

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *