LPA magpapaulan sa malaking bahagi ng Luzon

LPA magpapaulan sa malaking bahagi ng Luzon

Uulanin ang mga lalawigan sa tatlong rehiyon sa Luzon dahil sa Low Pressure Area (LPA).

Ang LPA ay huling namataan sa layong 45 kilometers North ng Romblon, Romblon.

Dahil sa naturang LPA makararanas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan sa CALABARZON, MIMAROPA, at Bicol Region.

Ang Metro Manila naman at nalalabi pang bahagi ng bansa ay makararanas lang ng bahagyang maulap hanggang sa maulap ba papawirin na mayroong isolated na pag-ulan.

Samantala, ang tropical depression naman sa labas ng bansa ày huling namataan sa layong 2,035 northeast ng extreme Northern Luzon.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 55 kilometers bawat oras.

Hindi naman inaasahang papasok sa loob ng bansa ang bagyo. (END)

 

 

 

 

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *