LPA magpapaulan pa din sa maraming lugar sa Visayas at Mindanao

LPA magpapaulan pa din sa maraming lugar sa Visayas at Mindanao

Magdudulot pa din ng pag-ulan sa Visayas at sa maraming lugar sa Mindanao ang binabantayang Low Pressure Area (LPA) ng PAGASA.

Ang LPA ay huling namataan sa layong 210 kilometers South ng Zamboanga City, Zamboanga del Sur.

Nananatili namang apektado ng Tail-end of Frontal System (Shear line) ang buong Visayas.

Habang Amihan naman o Northeast Monsoon ang nakaaapekto sa buong Luzon.

Dahil sa pinagsamang epekto ng Tail-end of Frontal System at LPA makararanas ngayong araw ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan sa Visayas, Caraga, Northern Mindanao, Zamboanga Peninsula, Bangsamoro, Sorsogon, at Masbate.

Maulap na papawirin din na may mahihinang pag-ulan ang mararanasan sa Cagayan Valley, Apayao, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Aurora, Quezon, at nalalabing bahagi ng Bicol Region dahil sa Amihan.

Habang localized thunderstorms lamang ang iiral sa Davao Region at SOCCSKSARGEN.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *