LPA, Habagat magpapaulan sa malaking bahagi ng Luzon; Mindanao apektado ng ITCZ

LPA, Habagat magpapaulan sa malaking bahagi ng Luzon; Mindanao apektado ng ITCZ

Magdudulot pa rin ng pag-ulan sa malaking bahagi ng Luzon ang binabantayang Low Pressure Area (LPA) ng PAGASA at ang Habagat.

Ang LPA ay huling namataan sa layong 405 km East ng Tuguegarao City, Cagayan.

Apektado naman ng Habagat ang Southern Luzon at Visayas.

Sa weather forecast ng PAGASA ngayong araw, ang Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, Central Luzon, at mga lalawigan ng Occidental Mindoro at Palawan ay makararanas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at
thunderstorms.

Samantala, apektado naman ng Intertropical Convergence Zone ang Mindanao.

Makararanas din ng apg-ulan dahil sa ITCZ ang Davao Region, SOCCSKSARGEN, at mga lalawigan ng Agusan del Sur at Surigao del Sur.

Sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa, magkakaroon lang ng isolated na pag-ulan sa hapon o gabi. (END)

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *