LPA binabantayan ng PAGASA sa bahagi ng Davao City
Isang Low Pressure Area ang binabantayan ng PAGASA sa loob ng bansa.
Ang LPA ay huling namataan sa layong 580 kilometers East ng Davao City.
Ayon sa PAGASA, mababa ang tsansang maging ganap na bagyo ang LPA at inaasahang malulusaw sa susunod na 36 na oras.
Ang trough ng nasabing LPA ay magdudulot na ng maulap na papawirin na mayroong kalat-kalat na pag-ulan sa Visayas, Bicol Region, Caraga, Northern Mindanao, at Davao Region.
Northeast monsoon naman ang nakaaapekto sa Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Ilocos Region at Central Luzon.
Habang localized thunderstoms lamang ang iiral sa Metro Manila at nalalabi pang bahagi ng bansa.