LPA binabantayan ng PAGASA sa bahagi Davao City
Isang Low Pressure Area (LPA) ang binabantayan ng PAGASA sa bahagi ng Mindanao.
Ang LPA ay huling namataan sa layong 895 kilometers East Southeast ng Davao City.
Sa weather forecast ng PAGASA, ngayong araw, apektado ng trough ng LPA ang buong Mindanao at Eastern Visayas.
Makararanas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan ang buong Mindanao at Eastern Visayas.
Apektado naman ng northeast monsoon o amihan ang Cagayan Valley, Metro Manila at nalalabi pang bahagi ng Luzon.