LOOK: Valenzuela City may sarili nang Dialysis Center
Mayroon nang sariling Dialysis Center ang Valenzuela City.
Ayon kay Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian, simula nang magkaroon ng pandemic ng COVID-19, maraming pasyente na sumasailalim sa dialysis ang hindi makahanap ng dialysis center.
Dahil dito, nagpasya ang City Government na magtayo ng sarili nitong dialysis center.
Ang naturang center ay magagamit ng mga COVID patients na nangangailangang magpasailalim sa dialysis.
Sinabi ni Gatchalian na hinihintay na lamang ang operating license ng dialysis center upang ganap na itong magamit. (D. Cargullo)