LOOK: Tradisyunal na “dungaw” ng Itim na Nazareno, idinaos sa Manila City Hall

LOOK: Tradisyunal na “dungaw” ng Itim na Nazareno, idinaos sa Manila City Hall

Isinagawa ang tradisyunal na “dungaw” ng Itim na Nazareno bago ito inialis sa Manila City Hall.

Kahapon (Jan. 4) ay dinala sa ang imahe ng Itim na Nazareno sa Bulwagang Katipunan ng Manila City Hall at nagdaos din ng Banal na Misa na pinamunuan ni Msgr. Hernando Coronel.

Bago ang pag-alis ng Itim na Nazareno sa City Hall, nagbigay ito ng “basbas” sa mga empleyado ng City Hall sa pamamagitan ng pagdungaw sa balkonahe.

Ang pagbisita ng poon ay parte ng ika-limang nobenaryo bago ang Pista ng Itim na Nazareno.

At dahil mayroon pa ding pandemya ng COVID-19, patuloy ang paalala ni Msgr. Coronel sa mga deboto ng Itim na Nazareno na hangga’t maaari ay magdasal na lamang sa kani-kanilang mga bahay sa araw ng kapistahan. (D. Cargullo)

 

 

 

 

 

 

 

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *