LOOK: Scops owl nailigtas sa Pasay City
Nailigtas ng mga tauhan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) – National Capital Region ang isang uri ng Luzon lowland Scops-owl (Otus megalotis) sa Malibay, Pasay City.
Inalerto ng DENR Central Office ang West Field Office nito tungkol sa namataang kwago sa Malibay.
Dahil dito, agad nagpadala ng animal retrieval team sa lugar.
Ang naturang ibon ay dinala na sa Wildlife Rescue Center sa Ninoy Aquino Parks and Wildlife sa Quezon City.
Ang Luzon lowland Scops-owl ay itinuturing na endemic sa Pilipinas at kadalasang nakikita sa Luzon, partikular sa Marinduque, at sa Catanduanes Islands. (D. Cargullo)