LOOK: Reusable face masks ipapamahagi ng OVP
Target ng tanggapan ni Vice President Leni Robredo na makapamahagi ng 100,000 reusable cloth masks sa mga komunidad na labis na apektado ng coronavirus pandemic.
Ayon kay Robredo, umabot na sa 1,420 na face masks ang naipamahagi nila sa mga frontliners, COVID-19 patients, locally-stranded individuals, at street dwellers sa Metro Manila.
Kumuha ang OVP ng mga unemployedna residente ng Marikina City and at mga mula sa mga lalawigan ng Laguna, Rizal, at Bulacan.
Sila ang nagtahi ng reusable cloth masks para sa #MasKampante project ng OVP. (END)