LOOK: Philippine Ambassador to Japan Koshikawa Kazuhiko bumiyahe sa MRT-3

LOOK: Philippine Ambassador to Japan Koshikawa Kazuhiko bumiyahe sa MRT-3

Sinubukan ni Philippine Ambassador to Japan Koshikawa Kazuhiko na bumiyahe sa linya ng MRT-3.

Bumiyahe ang ambassador para subukan ang bagong overhauled na train set.

Matatandaan na pinuri ni Ambassador Koshikawa ang pamunuan ng MRT-3 dahil sa mga ginawang pagpapabuti sa serbisyo ng mga tren nito.

Kabilang dito ang mas pinabilis na takbo ng mga tren sa 60kph; mas bumabang headway sa 3.5 to 4 minutes, mula sa dating 8.5 to 9 minutes; at mas pinaikling travel time mula North Avenue station hanggang Taft Avenue station sa 45 to 50 minutes, mula sa dating 1 hour and 15 minutes.

Nakumpleto na din ang pagsasaayos at pagpapalit ng mga bagong riles sa buong linya noong Setyembre 2020, ilang buwan na mas maaga sa target completion date sa Pebrero 2021.

Bumiyahe si Ambassador Koshikawa mula Ayala station hanggang North Avenue station, kasama sina DOTr Secretary Arthur P. Tugade, DOTr Undersecretary for Railways Timothy John Batan, MRT-3 General Manager Rodolfo J. Garcia at MRT-3 Director for Operations Michael J. Capati. (D. Cargullo)

 

 

 

 

 

 

 

 

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *