LOOK: Pasig City LGU sinimulan nang sanayin ang kanilang “vaccinators” para sa vaccination program laban sa COVID-19
Nagsimula nang magsagawa ng pagsasanay ang Pasig CIty LGU sa tulong ng Department of Health (DOH) sa mga magsisilbing mga bakunador para sa vaccination program laban sa COVID-19.
Sinabi ni Pasig City Mayor Vico Sotto, maituturing itong krusyal na hakbang sa paghahanda pra sa Covid19 Vaccination System.
Sa sandali aniyang dumating na ang mga bakuna ay tiyak na ang kahandaan ng lungsod.
Sa ngayon sinabi ni Sotto na wala pa namang nakakaalam kung kailan eksaktong magiging available sa bansa ang mga bakuna.
Ang mahalaga ayon sa alkalde, handa ang LGU na kumilos sa sandaling magkaroon na ng available at aprubadong bakuna laban sa COVID-19.
Kabilang sa inihahanda na ng Pasig LGU ang mga vaccinators, support staff, pondo, suplay, logistics, at koordinasyon sa national government at mga ospital sa lungsod. (D. Cargullo)