LOOK: Pagsunod ng mga pasahero sa Region 7 sa “No Face Shield, No Ride Policy”
Mayorya ng mga pasahero sa Region 7 ay nakatugon sa unang araw ng pagpapatupad ng sa ipinatutupad na “No Face Shield, No Ride Policy” sa mga pampublikong sasakyan.
Sa isinagawang pagiinspeksyon kahapon, August 15 ng mga tauhan ng LTO Region 7 ay 90 percent ang compliance ng riding public sa unang araw ng mandatory na pagsusot ng face shield.
Katuwang ng LTO Region 7 ang Highway Patrol Group sa pagsasagawa ng operasyon.
Binusisi ang mga pamsaherong bus upang matukoy kung sumusunod ang mga driver at pasahero.
Ayon kay LTO 7 regional director Victor Emmanuel Caindec ang mgapasaherong nakitang hindi nagkasuot ng face shield ay pinababa ng sasakyan.
“It is a good indicator that most of the riding public were compliant on the first day of the implementation, we hope to see 100% compliance in the coming days,” ani Caindec.
Ang mga driver naman na mahuhuling hindi nakasuot ng face shield habang pumapasada ay mahaharap sa paglabag sa “breach of franchise”. (END)