LOOK: Pagpapatupad ng 0.79 meter na distansya sa mga pasahero ng MRT-3

LOOK: Pagpapatupad ng 0.79 meter na distansya sa mga pasahero ng MRT-3

Sinimulan na ngayong araw ang pagpapatupad sa 0.75 meters na distansya sa pagitan ng mga physical distancing markers na sa loob ng lahat ng mga tren ng MRT-3, 14 Setyembre 2020.

Umakyat na sa 204 (17% maximum passenger capacity) ang bilang ng mga pasahero na maaaring sumakay sa isang train set, o 68 kada bagon sa linya ng MRT-3. Ito ay mas mataas mula sa dating 153 (13% maximum passenger capacity) na pasahero sa isang train set, o 51 kada bagon.

Ito ay matapos aprubahan ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang panukala ng Department of Transportation (DOTr) at Economic Development Cluster (EDC) na itaas ang rider capacity ng mga pampublikong tranportasyon sa pamamagitan ng pagbaba ng sukat ng distansya sa pagitan ng mga pasahero.

Inaasahan din na bababa pa ang distansya ng mga physical distancing markers hanggang 0.5 meters matapos ang dalawang linggo, at 0.3 meters sa karagdagang dalawang linggo.

Ang inaasahang pagtaaas ng bilang ng passenger capacity ng mga tren ay suportado ng datos mula sa isinagawang physical simulation.

Kasabay nito, patuloy ang istriktong pagpapatupad ng mga health and safety protocols sa loob ng mga istasyon at tren, tulad ng pagsusuot ng face shield at face mask, pagbabawal sa pagsasalita at pagsagot ng tawag sa anumang digital device. (BDC)

 

 

 

 

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *