LOOK: Paggunita sa kaarawan ni Gat Andres Bonifacio idanaan sa protesta
Nagdaos ng kilos protesta ang iba’t ibang mga grupo ngayong ipinagdiriwang ng bansa ang ika-157 kaarawan ni Gat Andres Bonifacio.
Nagtipon-tipon sa harap ng Palma Hall sa UP Diliman ang iba’t ibang mga grupo para magsagawa ng programa.
Isinabay din nila ang paggunita sa ika-22 anibersaryo ng organisasyon ng mga kabataan na “Anakbayan”.
Mula sa Palma Hall ay nagmartsa sila patungong University Avenue.
Sigaw ng mga raliyosta ang iba’t ibang mga hinaing.
Kabilang dito ang pagwawakas sa anila ay “traydor, kurap, pahirap at pasistang diktadurya ni Duterte”.
Ipinanawagan din nila ang pagpapatigil sa Jeepney Phaseout at ang pagpatay sa mga magsasaka.