LOOK: Mga pulis sa Apayao tumulong sa mga guro sa pag-aayos ng module
Maliban sa pagpapanatili ng katahimikan, ang mga pulis sa lalawigan ng Apayao tumutulong din sa mga guro sa kanilang mga paghahanda sa blending learning.
Bilang pakikiisa sa selebrasyon ng National Teacher’s Day ang mga pulis sa Luna, Apayao ay tumulong sa mga guro sa pagsasaayos ng mga learning module.
Maliban sa pag-aayos ng module ay tumulong din sila sa pamamahagi nito sa mga junior high school students ng BACDA National High School sa Barangay Bacsay.
Ang inisyatiba ay bahagi ng BARANGAYanihan project ng mga pulis sa Apayao.
Kinilala naman ni Philippine National Police (PNP) Chief, Police General Guillermo Lorenzo T. Eleazar ang ginawang pagtulong ng mga tauhan ng Luna Municipal Police Station sa mga guro.
“Nakakataba ng puso na kahit sa ganitong simpleng pagtulong ay naalala ng ating kapulisan ang sakripisyo at paghihirap ng ating mga guro lalo na ngayong pandemya,” ani Eleazar. (DDC)