LOOK: Mas malinis, mas maliwanag na Lagusnilad underpass pormal nang binuksan

LOOK: Mas malinis, mas maliwanag na Lagusnilad underpass pormal nang binuksan

Ipinasilip na sa publiko ngayong araw August 24 ang bagong bihis na Manila City Hall underpass o mas kilala bilang Lagusnilad underpass.

Sa mga larawan na ibinahagi sa Facebook page ng Department of Tourism, Culture and Arts of Manila, makikita ang naglalakihang mural painting sa Lagusnilad.

Pinangunahan ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso kasama si Vice Mayor Honey Lacuna-Pangan ang ribbon cutting na hudyat ng pormal na pagbubukas nito.

Dumalo rin sa pagdiriwang ang mga kinatawan mula sa National Commission for Culture and the Arts (NCCA) si G. Ronn Fernando at Egay Fernandez. Kasama rin sa pagdiriwang si NPDC Director Cecille Lorenzana Romero at Atty. Guiller Asido ng Intramuros Administration.

Ang disenyo ng bagong underpass ay mula sa ideya ng mga architect mula sa University of Sto. Tomas.

Samantala, ang naglalakihang mural ay iginuhit ni Marianne Rios, Jano Gonzales at Ianna Engano mula sa Gerilya.

Ang mga signages na makikita sa Lagusnilad underpass ay mula kina Raven Angel Rivota ng Far Eastern University, Edrian Garcia at John Leyson.

 

 

 

 

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *